Home
Saving forever for you, baby
You are the only one
I’ll ever give forever to
Love for a lifetime won’t do, baby
Wanna always stay together
So I’m saving forever for you

adios!

December 31, 2007

balik sa boring na buhay..  ewan ko ba, hindi pa din talaga kami pinapabayaan ni lord. love niya din pa din kami. sobrang thankful ako.. i still feel so blessed. tigil ko na pagblo2g ko dito sa site na ito… ayokong may masabi.. hindi siya user-friendly katulad ng pinagsimulan…

puntahan niyo na lang ako sa..

~superym.blogspot.com

hapi nyunyir na lang..

adios! adios! adios!

Posted by superym at 2:07 pm | permalink | Add comment

xmas perfect

December 24, 2007

my wish lists:

  • a volkswagon

  • ipod nano

  • a laptopnew dress

  • a mini pincher dog

  • the yellow shoes that i saw in ukay-ukay

  • a psp so that i can give it to ric's nephew

  • an enclosure - for my baby's reliable desktop.

  • infrared dangle for my sister's cellphone

  • skate shoes particularly the globe chet thomas or etnies vallely or vans

  • skateboard deck

  • new les paul guitar [hollowbody style] including the uber hip color pink gig bag

  • guitar amplifier

  • a drum set
  • the 1912 news paper that is a collectors item already.

     

  • complete set of wave 89.1 dream sounds album.

anyways, that is just a wish lists, whether i get it or not. i'm still happy. what important is the thought that  all my loved-ones are okey. having them in my side is enough for me.

__

Para sayo to Papa God: Thank you po sa lahat. Sa everyday blessings at sa love. Thank you din po kasi po binigyan niyo po ako ng sobrang bait na nanay. Kahit po most of the time nag-aaway po kaming dalawa. Alam niyo naman po kung gaano ko siya ka-Love. Hindi niyo pa din po kami pinababayaan. Kahit po pinauna Niyo na si Papa, iniwan Niyo pa din po si mama para i-guide po kaming magkakapatid. Super thank you po. Sa mga friends and best-friends ko po Papa God, thank you for bringing them into my life. WIth them i've learned a lot of things. As in a lot. Ginawa Niyo po silang instrument para po kahit papaano matuto ako dito sa happy life. Kay Ric po, super duper uber thank you po. Hindi ko po ineexpect na bibigyan Niyo pa po ako ng isang katulad niya. Sobrang thank you po. Isa po siyang napakalaking blessing for me. Noon pong binigay niyo siya sakin, pakiramdam ko po ang laki pong changes ang nagyari sakin. Sobra po. Kaya po super thank you.

Oo nga po pala Papa God, happy birthday din po. Ang laking celebration po nito. Para sa inyo po lahat ng ito. Ang saya po palagi kapag birthday niyo. Ang babait po kasi ng mga tao e. Sana po araw-araw na lang po birthday niyo. I love you po. And happy birthday po ulit.

___

Para sayo to RICK CHAVEZ CEBALLO,

Sa loob ng 20 months nateng pagsasama, kahit kailan hindi mo pa pinaramdam sakin ang hindi mahalin. pakiramdam ko, i am OVER-LOVED… by you. ang saya. 1st few months naten medyo rocky road pa. Sobrang kapaan sa isa't-isa, pero napaka pasensiyoso mo sakin. Lahat nakaya mong pagpasensiyahan. Doon mo pinatunayan na we're really made for each other. Natanggap mo ang pagkatao ko ng buong-buo, minahal mo ang kaliit-liitang kapangitan ko. Minahal mo lahat ng mahal ko, pamilya ko, kaibigan ko, kaopisina ko, boss ko. Lahat ng mahal ko minahal mo. Lahat ng gusto ko, sinusunod mo. Lahat ng ayaw ko, alam mo. Sobrang lambing mo sakin pati sa pamilya ko. Yun ang weakness ko. Alam mo baby, sa tingin mo sa mga ginawa mo kaya pa kitang iwan? Sa lahat ng love mo for me, do you think i can still survive? Yung love mo ang bumubuhay sakin ric, pag nawala yung love mo for me, malamang wala na si rym. Dumating sa point na ayokong maging dependent sayo ric. Natatakot ako na baka pag nawala ka, hindi kayanin ng sistema ko at yun ang maging dahilan ng kamatayan ko. Iniisip ko na noon na makipaghiwalay sayo hangat maaga pa. Kaunting away natin, iniisip ko hiwalayan ang solusyon pero u always resist kapag nasa ganoon na tayong sitwasyon. Ikaw ang nagbigay direksyon sa liko-liko kong buhay. Para tayong battery, we're totally opposite. Ikaw ang positive at ako ang negative. Dahil sayo kaya kahit papaano nagiging postibo ako.

We'd cry tons of tears dahil sa relasyong ito. dami ng napagsamahan, napagdaanan and i know still there's more to come but then at the end of the day, alam pa din natin na tayong 2 pa din. To hell with those people. mahal na mahal kita ric, sobrang mahal na mahal. kasama ng pagmamahal ko sayo ay ang pagmamahal ko sa buong pamilya mo at sa mga kaibigan mo na nagmamahal sayo. I'm just happy that you are my boy-friend. My best-friend. My enemy. My brother. My father. My preacher. My life. You are my everything.

much love, EDLURYM PEREZ PANERGO

Posted by superym at 2:19 pm | permalink | Add comment

Goodbye NEGA Goodbye

December 20, 2007

current music: listen - stonefree

current mood: relieved

Pagkatapos ng sobrang saya na araw, umikot ng 360 degrees ang mundo ko at naging sobrang lungkot ako. Kahit papaano nabawasan ito sa pagdating ni ric dito sa bahay at sa mga sweet na pasalubong niya sakin.

Isang napakalaking box na picha pie. At syempre ang walang tatalo sa uber-yellow na sisiw na nabili niya sa lawton. Ang sweet niya sobra. bogchi kame to da max. solb na solb. habang ang sisiw nasa isang tabi lang, nanonood saming patay-gutom meal.

Muntik na naman akong mahilo-hilo sa kabusugan.

Samantala.. kagabi, eto na naman tong mala-melancholy mood ko. Hindi ko alam kung dala ba ito ng titanic na to da nth time ko ng napapanood pero hanggang ngaun na momove pa din ako o dahil lang sa mga bagay na bumabagabag sakin. Kung anuman yun, pinagpray ko na lang siya kay Papa God. IpinagpasaDiyos ko na lang ang nararamdaman ko. And it really helps a lot. Pakiramdam ko kagabi, sobrang lapit niya sakin, na parang best-friend ko lang siya, confidant, lahat. Naisip ko, mas kailangan ko ng mas maging positibo sa buhay at iappreciate kahit na maliliit na bagay. Pakiramdam ko dahil sa pagiging nega ko madami na kong mga bagay na namiss. Ang simpleng pag gising sa umaga na sa halip na ikatuwa ko dahil sa binigyan pa ko ni Papa God ng isa pang araw dito sa happy world e, binabalewala ko at binubungaran ko ng simangot na mukha at pagkabugnot sa mga tao sa paligid ko. I usually overlook things and never appreciate them.

Gusto ko gayahin si Joyce Ann, pati ang parol sa baby bus ay nakuha siyang pangitiin. Ang cute daw kasi. Tinignan ko maigi yung parol. Anong cute don? Isa lang siyang ordinaryong maliit na parol na talgang binagay para sa baby bus. Palagay ko, nakita niya ang parol sa ibang persepsyon. Ika ng ni ric, "View things in different perspective" at yun ang hindi ko nakikita sa ngaun.

..ayoko ng maging malungkot.

..ayoko ng maging negatib.

..ayoko ng maging madilim ang paligid.

..masaya maging masaya.

sisimulan ko to sa palagiang pag-alala kay von2 at sa kanyang disabled-kagat-labi-dance.

 

 

  

 

 

Posted by superym at 10:28 am | permalink | Add comment

dreamsounds

December 18, 2007

current song:when she cries - restless heart

habang tumatanda ako, parang naiisip ko na napakaraming bagay na ang naitatake for granted ko. napakaraming bagay ang hinayaang kong dumaan at binalewala.ang mga kaibigan ko. madalas pakiramdam ko nababalewala ko sila, pero hindi ibig sabihin noon, hindi ko sila binibigyan ng importansya. mga bestfriends  ko sila e. sa 21 taon ko sito sa mundo, madami akong nkakasalamuha at natatawag na "kaibigan", "tropa" "barkada", pero habang tumatagal ang panahon. unti-unti silang nawawala at naiiwan ang mga naiiwan.

ika nga nila, natitira ang matibay. un kayang sikmurain ang imperpekto kong ugali.natitira ang mga taong tunay na nagmamahal at ang mga taong tanggap ang buo kong pagkatao.people who accepts all your flaws and love the way you are. at nakita  ko yun sa kanila…

salamat..

[hikab…]

antok pa ko eh. maaari ka ba, ala-singko na kami ng umaga natulog ni joyz. alas-kwatro na din ng umaga ng makauwi si jinky at von.haup tong si von. alas-kwatro na ng umaga, siguro dahil gutom at lamig [pasko na. woohoo.], ayun nag trip.tama ba naman sumayaw ng kagat-labi at itaktak mo na walang kamay. hahaha.

 

random thoughts:

~miss ko na din si em at lyn2. sayang wala sila kagabi.

~excited na ko sa xmas party namin. masaya to.

~absent na naman ako kanina

~mag-reresign ba si joyz?

~pano na pag nag-asawa na si von?

~hindi natulog si jinx kagabi kina joyz.

~hindi ako iniwanan ng pera ni mommy.

~sa thursday kaya may internet na ko?

~tuloy ba sa giligans sa friday? e gusto ko pupil e.

~musta na kaya asawa ko?

~internet na ko, post ko muna to.

~ang bait niya at hindi siya anti-social.

~turn-off siya sakin.

 

 

 

 

Posted by superym at 3:00 pm | permalink | Add comment

1st blog

December 16, 2007

lss: saving forever for you.

wala akong maisip sa unang pagpunta ko dito sa blogsite ko na to. pero mukhang mag eenjoy ako. explore ko muna to.

paturo..

 

Posted by superym at 5:13 pm | permalink | Add comment