Home » Post Item » Goodbye NEGA Goodbye
Saving forever for you, baby
You are the only one
I’ll ever give forever to
Love for a lifetime won’t do, baby
Wanna always stay together
So I’m saving forever for you

Goodbye NEGA Goodbye

December 20, 2007

current music: listen - stonefree

current mood: relieved

Pagkatapos ng sobrang saya na araw, umikot ng 360 degrees ang mundo ko at naging sobrang lungkot ako. Kahit papaano nabawasan ito sa pagdating ni ric dito sa bahay at sa mga sweet na pasalubong niya sakin.

Isang napakalaking box na picha pie. At syempre ang walang tatalo sa uber-yellow na sisiw na nabili niya sa lawton. Ang sweet niya sobra. bogchi kame to da max. solb na solb. habang ang sisiw nasa isang tabi lang, nanonood saming patay-gutom meal.

Muntik na naman akong mahilo-hilo sa kabusugan.

Samantala.. kagabi, eto na naman tong mala-melancholy mood ko. Hindi ko alam kung dala ba ito ng titanic na to da nth time ko ng napapanood pero hanggang ngaun na momove pa din ako o dahil lang sa mga bagay na bumabagabag sakin. Kung anuman yun, pinagpray ko na lang siya kay Papa God. IpinagpasaDiyos ko na lang ang nararamdaman ko. And it really helps a lot. Pakiramdam ko kagabi, sobrang lapit niya sakin, na parang best-friend ko lang siya, confidant, lahat. Naisip ko, mas kailangan ko ng mas maging positibo sa buhay at iappreciate kahit na maliliit na bagay. Pakiramdam ko dahil sa pagiging nega ko madami na kong mga bagay na namiss. Ang simpleng pag gising sa umaga na sa halip na ikatuwa ko dahil sa binigyan pa ko ni Papa God ng isa pang araw dito sa happy world e, binabalewala ko at binubungaran ko ng simangot na mukha at pagkabugnot sa mga tao sa paligid ko. I usually overlook things and never appreciate them.

Gusto ko gayahin si Joyce Ann, pati ang parol sa baby bus ay nakuha siyang pangitiin. Ang cute daw kasi. Tinignan ko maigi yung parol. Anong cute don? Isa lang siyang ordinaryong maliit na parol na talgang binagay para sa baby bus. Palagay ko, nakita niya ang parol sa ibang persepsyon. Ika ng ni ric, "View things in different perspective" at yun ang hindi ko nakikita sa ngaun.

..ayoko ng maging malungkot.

..ayoko ng maging negatib.

..ayoko ng maging madilim ang paligid.

..masaya maging masaya.

sisimulan ko to sa palagiang pag-alala kay von2 at sa kanyang disabled-kagat-labi-dance.

 

 

  

 

 

Posted by superym at 10:28 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment